June 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Luis Manzano, may babalikan sa showbiz kahit olats sa politika

Luis Manzano, may babalikan sa showbiz kahit olats sa politika
Photo courtesy: Luis Manzano (FB)

Balik-hosting na ulit sa telebisyon ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano matapos mabigong manalo bilang kandidato sa pagka-Batangas vice governor sa katatapos lamang na 2025 National and Local Elections.

Hindi man pinalad sa politika, magiging abala naman siya sa muling pagbabalik ng kaniyang game show na "Rainbow Rumble" na siya ang host kasama ang komedyanteng si Negi.

Sure ball na raw ayon sa ulat, at ang dalawa pang posibleng bumalik na game show na siya rin ay host ay "Minute To Win It" at Kapamilya Deal or No Deal."

Matapos ngang matalo sa eleksyon ay agad na nagtanong si Luis sa kaniyang Facebook post noong Mayo 15, kung alin sa tatlo niyang game shows ang bet maibalik ng mga netizen at viewers.

Tsika at Intriga

Toni Fowler, naurirat ni Bea Borres kung nakipag-threesome na

KAUGNAY NA BALITA: Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Bago naman talaga sumabak sa politika si Luis ay matatandaang nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN bilang solid Kapamilya, kasama pa ang nagbabalik-showbiz na misis na si Jessy Mendiola, na kabilang sa cast ng bagong teleseryeng pagbibidahan ni Gerald Anderson.

Bukod sa game shows ay nagkaroon din daw ng product endorsements si Luis.

KAUGNAY NA BALITA: Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño