June 07, 2025

Home BALITA Politics

Heidi Mendoza, nalulungkot na binabahiran ng away politika ang confidential funds

Heidi Mendoza, nalulungkot na binabahiran ng away politika ang confidential funds
Photo Courtesy: Heidi Mendoza (FB), via MB

Naghayag ng pananaw ang dating komisyuner ng Commission on Audit (COA) na si Heidi Mendoza kaugnay sa confidential funds at girian ng Marcos-Duterte. 

Si Mendoza ay kumandidato rin sa pagkasenador sa nakaraang 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post ni Mendoza nitong Martes, Hunyo 3, sinabi niyang nalulungkot umano siya na ang usapin sa confidential funds ay humahantong lang sa bangayan sa politika.

“Nakalulungkot na, sa kadalasan ang usapan tungkol sa confidential funds ay agad na idinudugtong sa usaping away pulitika lang yan sa pagitan ng BBM at DDS!” saad ni Mendoza.

Politics

Reso ni Bato para ibasura paglilitis kay VP Sara, ‘walang sense’ —Lacson

“Gaya ng kahit anong type of funds, its release, use, accounting and audit, should be devoid of politics,” pagpapatuloy niya. “Ito ay usapin ng pananagutan! It is about Accountability! Hindi lang ng tumanggap kundi, pati na ng nagbigay!”

Dagdag pa ng dating COA commissioner, “Ang confidential funds in general ay may pinakamahinang control. At sa pangkalahatan, discretionary in nature.”

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado at napipinto pang hindi matuloy.

MAKI-BALITA: 'Made from Bato!' Reso para ibasura impeachment ni VP Sara, galing kay Sen. Bato