June 08, 2025

Home BALITA Politics

Dahil ayaw na talaga sa mga Marcos: Baste Duterte, kakaibiganin lang si Sen. Imee

Dahil ayaw na talaga sa mga Marcos: Baste Duterte, kakaibiganin lang si Sen. Imee
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Davao City Vice Mayor Baste Duterte nang makita niyang bumisita rin si Senator Imee Marcos sa The Hague, Netherlands para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng media kay Mayor Baste noong Martes, Hunyo 3, sinabi niyang ayaw na raw niya talaga niya sa mga Marcos.

“Ayaw ko na sa mga Marcos talaga. [...] I can be casual with her [Sen. Imee]. I can treat her as a friend, but let us not talk about politics as we are not together on that,” saad ni Mayor Baste.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Sen. Imee ang larawan nila ni Mayor Baste na magkasama para sabihin kung gaano kaswerte si Vice President Sara Duterte sa nakakabata nitong kapatid.

Politics

John Arcilla, umapela sa Millenials at Gen Z; pinapapalitan mga matatagal nang gov’t officials

“Napakaswerte ni Inday Sara sa kanyang nakababatang-kapatid,” saad ni Sen. Imee.

MAKI-BALITA: VP Sara, swerte sa nakababatang kapatid —Sen. Imee

Matatandaang hayagang sinusuportahan ni Sen. Imee ang pagpapabalik sa ama nina VP Sara at Mayor Baste sa Pilipinas matapos arestuhin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kaso nitong crimes against humanity.

Sa katunayan, pinangunahan ng senadora ang pagdinig sa Senado upang igiit na ilegal umano ang ginawang pag-aresto ng ilang gabinete sa dating pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang cabinet members, nanindigang 'di tumulong ang Pinas sa ICC