Nagbigay ng pananaw si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV kaugnay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang X post ni Trillanes nitong Martes, Hunyo 3, sinabi niyang napakaimportante umanong matuloy ang paglilitis sa bise-presidente.
Aniya, “Ang impeachment trial ni Sara ay napakaimportanteng matuloy dahil dito makikita ng taong bayan na sya ay isang magnanakaw; tumatanggap ng pera sa druglord; at may diperensya sa pag-iisip.”
“Dahil dito, hindi sya karapat-dapat na makahawak ng kahit na anong pwesto sa gobyerno,” dugtong pa ni Trillanes.
Matatandaang batay sa flow ng proposed calendar ni Escudero noong Pebrero, nakatakda ngayong araw, Hunyo 3, ang pagpupulong ng Impeachment Court at oath-taking ng incumbent Senator-judges.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Proposed calendar ni SP Chiz hinggil sa impeachment trial ni VP Sara