June 08, 2025

Home BALITA National

Anti-rabies vaccine, libre sa government hospitals — Usec. Castro

Anti-rabies vaccine, libre sa government hospitals — Usec. Castro
photo courtesy: PCO, pexels

Ibinahagi ni PCO Usec. Claire Castro na maraming national and local government hospitals at health centers ang nagbibigay ngayon ng libreng anti-rabies at animal bite vaccination.

Ito raw ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na tiyakin na accessible ang mga serbisyong pangkalusugan.

“Sakaling nakagat o nakalmot kayo ng inyong mga alagang aso at pusa, nangangamba sa rabies, libre po ang pagbabakuna sa mga government hospitals,” saad ni Castro sa isang press briefing nitong Martes, Hunyo 3.

Dagdag pa ni Castro, kung sa private hospital naman magpapabakuna, mayroon daw animal bite package ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

National

'Walang atrasan!' 2 senador, sinigurong tuloy ang impeachment trial sa Hunyo 11

“Sa mga dudulog naman po sa mga private hospitals, may animal bite package naman ang PhilHealth," saad pa niya.

"At paalala rin po, libre po ang bakuna para sa ating mga anak mula zero to five years old. Kabilang sa libreng bakuna ang BCG, Hepa B, pentavalent vaccine, PCV, oral polio at MMR vaccine," ayon pa kay Castro.

"Pumunta lamang po kayo sa mga government hospital or health center para rito."

Samantala, ayon sa isang ulat ng Balita, dumami ang mga taong nagpapabakuna ng anti-rabies vaccine matapos makagat o makalmot ng alagang aso at pusa, partikular sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Ito raw ay matapos mag-viral ang video ng isang padre de pamilya na nakuhanang nagwawala at naghihirap sa ospital matapos umakyat sa kaniyang ulo ang rabies virus at lumabas ang mga sintomas, nang hindi niya makompleto ang anti-rabies vaccine.

BASAHIN: Overthink malala: Netizens na nagpapabakuna ng anti-rabies, dumagsa!