Opisyal nang iniluklok sa puwesto si bagong Philippine National Police (PNP) Gen. Nicolas Torre III nitong Lunes, Hunyo 2, 2025.Sa kaniyang talumpati, pinangakuan ni Torre ang hanay ng kapulisan hinggil sa magiging bagong sistema sa ilalim daw ng kaniyang pamumuno.
“Sa ilalim ng aking pamumuno, action will be rewarded. Hindi sapat ang pogi points. We will reward those police men who work hard on our three pillars. Respond to the public swiftly and unite and uplift the morale of your fellow public servants,” ani Torre.
Kaugnay naman ng mga promosyon sa rango ng mga kapulisan, iginiit niyang pawang ang mga pulis na tutugon umano sa kanilang serbisyo ang kikilalanin sa ilalim ng kaniyang liderato.
“Real talk lamang, no need for endorsements my leadership. Appointments will be based solely on merit and only the most competent will be entrusted with the right positions in the right places.
Matatandaang noong Mayo 29 noong kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagkakapili kay Torre bilang susunod na hepe ng kapulisan. Siya ang sumalo sa binakanteng posisyon ni dating PNP Chief Rommel Marbil na nakatakda na ring magretiro sa Hunyo 7.Matapos ang naging turn over of command nitong Lunes, si Torre na ang ika-39 na hepe sa kasaysayan ng PNP at siyang ikaapat na PNP chief naman sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
KAUGNAY NA BALITA: Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin