June 07, 2025

Home BALITA Probinsya

Isang lalaki at alagang aso na natutulog, patay matapos makuryente sa baha

Isang lalaki at alagang aso na natutulog, patay matapos makuryente sa baha
Photo courtesy: Freepik, via Manila Bulletin

Patay ang isang 28 taong gulang na lalaki at kaniyang alagang aso matapos silang makuryente habang natutulog sa kasagsagan ng pagbaha sa Hagonoy, Bulacan.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, Mayo 2, 2025, posible umanong nahagip ng baha ang extension cord na malapit sa higaan ng mga biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakita na lamang ng ina ng biktima ang katawan niyang wala nang buhay katabi ng kaniyang patay na alagang aso. Sinubukan pang isugod sa ospital ang lalaki ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, posible raw hindi namalayan ng biktima ang tumataas na tubig sa kanilang lugar. Kilala ang lokasyon ng bahay ng biktima sa isa sa mga flood areas sa Hagonoy, lalo na sa tuwing umaapaw raw ang ilog.

Probinsya

₱100k pabuya, ikinasa para sa hustisya ng 3 goat dealer na pinatay sa Maguindanao

Samantala, nanawagan naman sa pamahalaan ang ina ng biktima para umano sa mas maayos na flood control project sa kanilang lugar dahils a deka-dekada na raw nilang problema sa pagbaha sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan.