June 05, 2025

Home BALITA National

'Convict Sara!' ipininta ng mural artist sa freedom wall ng UP

'Convict Sara!' ipininta ng mural artist sa freedom wall ng UP
Photo courtesy: John Louie Abrina/MB

Naghuhumiyaw na "Convict Sara!" ang mensaheng mababasa sa ipininta ng isang mural artist sa freedom wall ng University of the Philippines (UP) ngayong Lunes, Hunyo 2.

Makikita sa nabanggit na pinta ang mukha ni Vice President Sara Duterte na nahaharap sa impeachment trial, na nakasalang na sa Senado.

Bukod sa mukha ni VP Sara, kasama rin sa mural painting ang iba't ibang pangalan, "125M," at balat ng isang sikat na junk food na kapangalan ni "Mary Grace Piattos."

Ang pangalang Mary Grace Piattos ay isa sa mga kontrobersiyal na pangalan na lumutang sa umano'y kontrobersiyal at kinukuwestyong confidential fund ni VP Sara noong siya pa ang kalihim ng Department of Education (DepEd).

National

95% pagsirit pataas ng HIV cases, bembangan ng lalaki sa lalaki

Samantala, nilinaw naman ni Senate President Chiz Escudero na walang kinalaman sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez sa desisyon ng Senado na ipagpaliban na muna ang pagbasa ng articles of impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.