February 24, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Unang hiwalayan sa Hunyo? Heaven inintrigang inunfollow si Marco

Unang hiwalayan sa Hunyo? Heaven inintrigang inunfollow si Marco
Photo courtesy: Marco Gallo (IG)

Unang araw pa lang ng Hunyo pero mukhang may uuriratin na naman ang mga marites na netizen na mahilig sa showbiz tsikas!

Balitang-balita nga sa online world ang umano'y pag-unfollow ng aktres na si Heaven Peralejo sa kaniyang on-screen partner at special someone na si Marco Gallo sa Instagram.

Ayon sa entertainment site na "Fashion Pulis," napansin ng mga netizen na naka-unfollow si Heaven sa account ni Marco. Pero kapag binisita naman ang account ni Marco, naka-follow pa rin naman siya kay Heaven.

Kinakiligan ng mga netizen ang pagsasama nila sa seryeng "The Rain in España" na pumatok naman sa mga manonood.

Marso nitong 2025 nang maging lantaran na talaga ang kanilang romantic relationship at maging "IG Official."

Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai, hiniwalayan ni Gerald sa text: 'Di na siya masaya, gusto niya magkaanak!'

Parehong galing sa "Pinoy Big Brother" ang dalawa at dito nga sa outside world nabuo ang kanilang matamis na pagtitinginan.

Samantala, nang personal na bisitahin at tingnan ng Balita ang Instagram account ni Heaven bandang 4:06 ng hapon, Hunyo 1, ay makikitang naka-follow si Heaven kay Marco.

Photo courtesy: Screenshot from Heaven Peralejo (IG)

Naka-follow pa rin si Marco kay Heaven.

Photo courtesy: Screenshot from Marco Gallo (IG)

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Heaven at Marco tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Marco Gallo, Heaven Peralejo engaged na nga ba?