June 05, 2025

Home BALITA Metro

Sen. JV, natuwa sa pagsuspinde ni PBBM sa EDSA rehabilitation

Sen. JV, natuwa sa pagsuspinde ni PBBM sa EDSA rehabilitation
Photo Courtesy: JV Ejercito, Bongbong Marcos (FB), Manila Bulletin File Photo

Nagbigay ng pahayag si Senador JV Ejercito matapos suspendihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang rehabilitasyon ng EDSA. 

Sa isang Facebook post ni Ejercito nitong Linggo, Hunyo 1, natuwa siya sa ibinabang utos ng pangulo.

“Glad that the President already issued an order suspending the EDSA rehab!” saad ni Ejercito. ”An honest-to-goodness economic benefit assessment is needed for this project.”

Ayon sa kaniya, umaabot sa ₱.3.5 bilyon kada araw ang nawawala sa ekonomiya dahil sa traffic sa Metro Manila. Batay naman sa Japan International Cooperation Agency (JICA), posible pang tumaas ito hanggang 

Metro

Leni nagpasalamat kay Joy; QC, Naga mag-'Sister City' matagal na

₱5.4 bilyon kada araw sa darating na 2035 kung hindi sosolusyunan.

Kaya naman kinakailangan ng agarang aksyon ngunit sa kabilang banda ay dapat ding mag-ingat upang maiwasang lumala ang naturang problema 

“This is why I strongly propose that the total EDSA rehabilitation be deferred until both the North-South Commuter Line and the Metro Manila Subway System are fully operational,” lahad ng senador.

“I believe these will serve as efficient alternatives to private vehicles, making such a large-scale rehabilitation less disruptive to the public.”

Sa huli, iginiit ni Ejercito ang matagal na niyang posisyon sa isyu na unahin muna ang paglalatag ng riles bago ayusin ang mga kalsada.

“My position ever since is fast track all railway projects! Railway is the only way!” aniya.

Matatandaang nauna nang inalmahan ni Ejercito ang planong rehabilitasyon sa EDSA noong Sabado, Mayo 31.

MAKI-BALITA: Sen. JV, may hirit sa nakatakdang pagsisimula ng EDSA rehabilitation: 'Sobrang gulo!'