June 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

OA pa raw sa na-evict! Jane nagsalita kung bakit emotional sa PBB exit

OA pa raw sa na-evict! Jane nagsalita kung bakit emotional sa PBB exit
Photo courtesy: Jane De Leon (FB)/Pinoy Big Brother (Kapamilya Online Live)

Nagpaliwanag ang Kapamilya actress na si Jane De Leon kung bakit siya naging emosyunal nang lumabas siya Bahay ni Kuya bilang Kapamilya celebrity house guest ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Marami kasing bumatikos sa naging pag-iyak ni Jane nang magpaalam na siya sa celebrity housemates, dahil tila mas "OA" pa raw siya sa mga lehitimong housemates na na-evict.

Paliwanag ni "Darna" ng ABS-CBN, ibang-iba raw talaga ang feel sa loob ng PBB House. Sa loob daw, walang "mapanghusga."

"Emotional? Oo, ako ’yon."

Tsika at Intriga

Luis Manzano, 'tinodas' sa social media pero buhay na buhay pa rin

"Alam mo kung bakit? Kasi kahit ang daming judgment dito sa labas, sa loob ng bahay ni Kuya… doon ko naranasan ’yung pagtanggap. Wala akong naramdamang panghuhusga. Tinanggap nila ako kung sino ako," pahayag pa ni Jane.

"Hindi nila ako tinuring na guest. I was never 'just visiting.' They treated me like a real housemate, a sister, a friend, a part of their family," pahayag pa ni Jane.

Samantala, ang latest evictees naman mula sa Kapuso at Kapamilya housemates ay sina Vince Maristela at Xyriel Manabat.

KAUGNAY NA BALITA: Xyriel Manabat, Vince Maristela lumabas na sa Bahay ni Kuya