Tuluyan nang binasag ni Kapamilya actor ang kaniyang katahimikan kaugnay sa lumulutang na intrigang hiwalay na umano sila ng jowa niyang si Julia Barretto.
Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Hunyo 1, inungkat ni Ultimate Mutimedia Star Toni Gonzaga ang relasyon ni Gerald sa aktres.
“One of the reasons kung bakit pinag-uusapan uli ang relationship ninyo is because everyone thinks na nag-break kayo ni Julia," saad ni Toni.
"No, we’re okay,” sagot naman ni Gerald. “Kaya nga kanina hinatid ko siya sa airport, papunta silang Dubai. Kaya medyo napaaga ako."
"So it’s not true?" paniniyak ni Toni.
"No," tugon ni Gerald.
Matatandaang nagsimula ang intrigang break na ang dalawa dahil sa picture ni Gerald sa Instagram na hindi kasama si Julia.