June 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gerald, aminadong 'nahulog' sa ilang leading ladies na nakapartner

Gerald, aminadong 'nahulog' sa ilang leading ladies na nakapartner
Photo courtesy: Screenshot from Toni Talks (YT)

Naging bukas ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson na nahulog ang loob niya sa mga aktres na nakasama niya sa proyekto.

Sa talk show vlog na "Toni Talks," isa sa mga napag-usapan nila ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano ang tungkol sa mga naging isyu sa kaniya sa mga nagdaang relasyon, bago ang kasalukuyang ugnayan nila ng jowang si Julia Barretto.

Aminado naman si Gerald na naging vulnerable siya pagdating sa "temptation" at "falling in love" sa mga aktres na nakapareha niya sa serye man o pelikula, bagama't wala na siyang pinangalanan.

"Alam naming lahat 'yan, 'yong mga partner na na-in love ka," hirit ni Toni, na minsan nang naging host ng defunct Sunday showbiz show na "The Buzz."

Tsika at Intriga

Toni Fowler, naurirat ni Bea Borres kung nakipag-threesome na

Paliwanag ni Gerald, "Siyempre binibigay mo 'yong best mo sa work mo, and 'yong work mo, is dapat na-iin love ka rin sa character na 'yan... and itong si Girl naman, maayos, ka-in love-in love din..."

Giit naman ni Toni kay Julia, "dating Gerald" naman daw iyon.

Ilan sa mga naging leading lady ni Gerald na nagkaroon ng "kaugnayan" o na-link sa kaniya matapos ang paggawa ng proyekto ay sina Kim Chiu, Sarah Geronimo-Guidicelli, Pia Wurtzbach-Jauncey, at Bea Alonzo.

Sa katunayan, naging leading lady rin ni Gerald sa pelikulang "Between Maybes" si Julia noong 2019, kung saan sila unang nagtambal at talagang nagkapalagayan ng loob sa isa't isa.