June 05, 2025

Home SHOWBIZ

Xyriel Manabat, Vince Maristela lumabas na sa Bahay ni Kuya

Xyriel Manabat, Vince Maristela lumabas na sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network (YT)

Tuluyan nang na-evict sina Kapamilya actress at dating child star Xyriel Manabat at GMA Sparkle Artist Vince Maristela sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” nitong Sabado, Mayo 31, isa-isang inanunsiyo ni Kapamilya host Bianca Gonzalez kung sino sa sampung nominado ang mananatili bilang housemates.

Ang mga Kapuso na kabilang sa binanggit ni Bianca ay sina Charlie Fleming, Dustin Yu, Mika Salamanca, at Will Ashley. 

Samantala, ang mga Kapamilya namang sina Bianca de Vera, Brent Manalo, Klarisse de Guzman, at River Joseph ang masusuwerteng napabilang.

Diego Loyzaga, yummylicious na ulit pagkatapos ng 6 na buwan

Tanging pangalan ni Vince ang hindi binanggit mula sa hanay ng mga GMA artist at si Xyriel naman sa ABS-CBN.

Matatandaang naiulat noong Mayo 24 na may sampung housemates na awtomatiko manonomina matapos mapagtagumpayan nina Ralph De Leon at Shuvee Etrata ang unang “Big Intensity Challenge” ni Kuya.

MAKI-BALITA: 10 housemates, matik na nominado sa Bahay Ni Kuya