June 05, 2025

Home BALITA Politics

VP Sara sa pagiging bukas ni PBBM sa reconciliation: 'Mahalaga ba ang away nating dalawa?'

VP Sara sa pagiging bukas ni PBBM sa reconciliation: 'Mahalaga ba ang away nating dalawa?'
Photo Courtesy: Screenshot from Gikan sa Masa, Para sa Masa, Bongbong Marcos (FB)

Tila tumugon si Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagiging bukas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makipagsundo sa pamilya Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, bukas na makipagkasundo sa mga Duterte: 'Ayoko ng gulo'

Sa talumpati kasi ni VP Sara na nagdiriwang ng ika-47 kaarawan sa The Hague, Netherlands nitong Sabado, Mayo 31, sinabi niyang hindi raw mahalaga ang reconciliation.

“Hindi po mahalaga ang reconciliation. [...] Mahalaga ba ang problema nating personal? Mahalaga ba ang away nating dalawa?” saad ng bise-presidente.

Politics

Heidi Mendoza, nalulungkot na binabahiran ng away politika ang confidential funds

Dagdag pa niya, “Ano bang pakialam ng mga naghihirap, nagugutom, hindi makapag-aral sa away nating dalawa? Unahin natin ang trabaho at unahin natin ang pangangailangan ng taumbayan. 'Yan 'yong trabaho nating lahat bilang mga mamamayan.”

Matatandaang sa pareho ring araw ay sinabi ni VP Sara na ayaw daw muna niyang magkomento kaugnay sa usapin ng reconciliation sa pangulo, na runningmate niya noong 2022 presidential elections.