June 05, 2025

Home BALITA National

Trillanes sa nagsabing 'very presidential' si Sen. Risa: 'Pwede!'

Trillanes sa nagsabing 'very presidential' si Sen. Risa: 'Pwede!'
Photo courtesy: Sonny Trillanes IV (FB)/via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang dating senador at natalong kandidato sa pagka-mayor ng Caloocan City na si Sonny Trillanes hinggil sa isang netizen na nagsabing "very presidential" si Sen. Risa Hontiveros para sa 2028 presidential elections.

Ibinahagi ni Trillanes sa X account ang isang X post ng netizen patungkol kay Hontiveros.

"Very Presidential" mababasa sa post.

"She has what it takes to lead the Nation."

National

95% pagsirit pataas ng HIV cases, bembangan ng lalaki sa lalaki

Simpleng caption naman ni Trillanes, "Pwede!"

Photo courtesy: Screenshot from Sonny Trillanes (X)

Matatandaang hayagan ang pagsuporta ni Trillanes kay Hontiveros noon pa man, dahil daw sa ipinamalas na leadership ng senadora lalo na sa pangunguna sa senate hearing sa iba't ibang isyu, lalo na ang patungkol sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa isang sesyon ng "Kapihan sa Senado" kamakailan, sinabi ni Hontiveros na posible siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.

"I'm not saying no. I'm open to all possibilities," pahayag ng senadora.

"At 'yon 'yong hinihingi ko rin sa lahat na mga kasama sa oposisyon or independent bloc na maging bukas kami sa lahat ng possibilities at sa isa't isa, alang-alang sa oposisyon at alang-alang sa ating mga kababayan,” dagdag pa.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, posibleng tumakbo sa 2028 presidential race?