Nagbigay ng pagpupugay si Senator-elect Atty. Kiko Pangilinan para sa mga mangingisda bilang pagdiriwang sa National Fisherfolk Day.
Nagsimulang ideklara ang Mayo 31 bilang araw ang mga mangingisda noon pang 2000 sa bisa ng Proclamation No. 261 series of 2000 na naglalayong kilalanin ang ambag ng mga manggagawa sa naturang sektor.
Sa latest Facebook post ni Pangilinan nitong Sabado, Mayo 31, sinabi niyang ipagpapatuloy umano niya ang pagsusulong sa kapakanan ng mga mangingisda ngayong nakabalik siya sa Senado.
Aniya, “Sa ating pagbabalik sa Senado, patuloy ang ating mga programang magsusulong ng kapakanan ng ating mga mangingisda para maiangat ang kanilang kabuhayan.”
“Dahil naniniwala tayong para matiyak ang ating pagkain, kailangan nating siguraduhing hindi naiiwanan ang ating mga magsasaka't mangingisda,” dugtong pa niya.
Matatandaang isa sa pangunahing pangako ni Pangilinan noong kampanya ay ang pagpapababa sa presyo ng pagkain.
MAKI-BALITA: Kapag nahalal bilang senador: Pangilinan, tututok sa pagpapababa ng presyo ng pagkain