Pinutakti ng sangkaterbang mensahe si beauty queen-actress Kylie Verzosa matapos aksidenteng maibahagi ang kaniyang cellphone number ni Miss Grand International (MGI) president Nawat Itsaragrisil
Sa isang Instagram story ni Kyline noong Sabado, Mayo 30, makikita ang tila sabog na inbox niya sa kaniyang cellphone.
“After my number was posted online for hours, and my efforts to have it taken down privately, the messages haven't stopped,” saad ni Kylie.
Kaya ang nasabing insidente ay talagang nakakagambala para sa gaya ni Kylie na pinahahalagahan ang kaniyang privacy at peace.
“I have to let go of my number I’ve used for over a decade, and my security is compromised,” aniya.
Dagdag pa ng beauty queen-actress, bagama’t na-aapreciate umano niya ang ilang sweet messages na natatanggap mula sa ibang tao, hindi raw ito nakakatuwa.
Samantala, humingi na naman ng tawad si Nawat at binura na rin ang post kung saan nakalagay ang cellphone number ni Kylie.
“Hi, I deleted it already. Someone sent to ask me and I just saw the name and reply to my [Instagram] story. I do apologize again,” aniya.
