Sinubukan ng komedyante at dating “Eat Bulaga” na si Jimmy Santos ang pagtitinda ng street foods sa isang lugar sa Nueva Ecija.
Sa latest vlog ni Jimmy kamakailan, sinabi niyang isa umanong napakahirap na trabaho ang pagtitinda ng street foods na kinakailangan ng tiyaga.
“Ang trabahong ‘to napakahirap sa mga nagtitinda [kasi ang] init. Minsan inaabot ng ulan, [pero] kailangang magtiyaga para kumita. ‘Yong pang-araw-araw na kita, tulong na po sa ating pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay.” saad ni Jimmy.
Dagdag pa niya, “Kailangang may tiyaga tayo rito. ‘Pag hindi kayo nagtiyaga, nganga. Ang klase ng hanapbuhay na ito ay kailangan may tiyaga. Kailangang matibay at siyempre kailangang malakas ang katawan.”
Kaya naman sa isang bahagi ng vlog ay ipinaalala ng komedyante ang halaga ng pagiging tapat ng mga customer.
“Kung hindi naman sila magiging honest, paano naman po ‘yong nagtitinda?” aniya.
Matatandaang minsan na ring hinangaan ng mga netizen ang pangangalakal ni Jimmy nang tumira siya sa Canada noong 2023.
MAKI-BALITA: Pangangalakal ni Jimmy Santos sa ibang bansa, hinangaan ng netizens!