June 05, 2025

Home BALITA Metro

Imburnal girl, balak gawing ambassador ng DSWD

Imburnal girl, balak gawing ambassador ng DSWD
Photo courtesy: DSWD via MB RoughMasterpiecei/Reddit via 24 Oras screenshot/DSWD (FB)

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang interes nilang gawing ambassador ang misteryosang babaeng lumitaw sa isang imburnal sa Rufino at Adelantado Street sa Legazpi Village, Makati City kamakailan.

Sa panayam ng media nitong Sabado, Mayo 31, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magagamit umano nila ang nasabing babae na kinilalang si “Rose” upang maipakita sa ibang katulad nito na walang masamang mangyayari sa kanila kapag sumama sa ahensya.

“Siguro puwede natin siyang gamiting ambassador para maipaliwanag na walang masamang mangyayari ‘pag sumama sa amin kundi tulong lang,” saad ni Gatchalian.

Ayon sa kalihim, aminado silang marami pa ring nagpapalaboy-laboy sa kalsada pero babalik-balikan umano ng DSWD ang mga ito.

Metro

Leni nagpasalamat kay Joy; QC, Naga mag-'Sister City' matagal na

“Nahihirapan kaming mangumbinse minsan kaya nga ang gagawin nating bagong strategy ngayon, gagamitin natin ang mga tulad ni Rose na nakaranas na ng tulong ng gobyerno na kumbinsihin ang ilan nilang kaibigan na nasa gano’ng sitwasyon,” dugtong pa ni Gathclian.

Matatandaang nauna nang sinabi ng kalihim na magbibigay sila ng kabuuang ₱80,000 upang makapagsimula ng pinapangarap nitong tindahan.

MAKI-BALITA: Babaeng lumabas sa isang imburnal sa Makati, bibigyan ng ₱80K