June 06, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hiling ni Javi sa isyu ng mga magulang: 'Sana magkaintindihan pa rin!'

Hiling ni Javi sa isyu ng mga magulang: 'Sana magkaintindihan pa rin!'
Photo courtesy: Albee Benitez (FB)/Javi Benitez (IG)

Nagpahayag ng kaniyang hiling ang aktor at mayor ng Victorias City, Negros Occidental na si Javi Benitez para sa mga magulang na sina Bacolod City Mayor Albee Benitez at Dominique "Nikki" Benitez, na dumaraan sa intriga ngayon kaugnay sa isinampang reklamo ng ina laban sa kanilang ama.

Nag-ugat ang intriga sa kumalat na sworn complaint affidavit ng umano'y pagsasampa ng kaniyang inang si Nikki sa kaniyang estranged husband na si Albee, sa umano'y paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC), matapos daw magkaroon ng "emotional at psychological abuse" ang estranged wife sa "extra-marital affairs" ng estranged husband.

Nabanggit umano sa naturang dokumento ang pangalan ng Kapamilya star-vlogger na si Ivana Alawi.

Isinampa ang reklamo sa Makati City Regional Trial Court.

Tsika at Intriga

Toni Fowler, naurirat ni Bea Borres kung nakipag-threesome na

Isang nagngangalang Jonathan Dela Cruz ang nagbahagi ng dokumento ng complaint-affidavit sa social media.

Matatandaang naisyu na noong 2024 si Alawi kay Benitez matapos raw silang maispatang magkasama sa Japan.

Nauna na ring itinanggi ni Mayor Albee ang tungkol sa pagkaka-link niya kay Ivana, ayon na rin sa naibalita ni Ogie Diaz sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

Pasimple ring sinabi ni Ivana na hindi totoo ang nabanggit na mga tsika, at kung anuman ang mga property na mayroon siya ngayon, ay dahil iyon sa mga pagsisikap niya bilang isang content creator at celebrity.

Kaya naman, sa Instagram post ni Mayor Javi, sinabi niyang ayaw na sana niyang magsalita hinggil sa isyu, subalit batid daw niyang hindi niya ito maiiwasan.

"Ayoko na sanang magsalita, pero alam kong hindi ko rin ito maiwasan," aniya.

"Ang mga totoong nakakaalam ng buong kwento… tahimik lang. Hindi sila nasa balita. Hindi rin sila nagpo-post."

"Ang hiling ko lang: sana magkaintindihan pa rin ang mga magulang ko, bilang magulang namin ni Bettina, at kung maaari pa, bilang mag-asawa rin," aniya pa.

"Sana balang araw, makahanap din kami ng tamang pag-ibig. ’Yung hindi nasusukat sa pera, status, o panlabas na imahe... kundi sa respeto, lambing, at tunay na partnership sa buhay."

"Gusto ko rin pasalamatan ang lahat ng tahimik na nag-abot ng malasakit: sa message, tawag, o kahit simpleng dasal. Salamat. Alam ko, hindi lang kami ang may ganitong sitwasyon pero sana maiayos din sa huli."

"Move on na tayo sa chismis, fake news, at paid drama. Ang dami pa nating kailangang ayusin sa bansa. Doon tayo mag-invest ng energy."

"Sa huli, hindi views, likes, o pera ang sukatan ng tao, kundi ang puso."

"Let’s choose to be kind," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag tungkol dito ang kampo ni Ivana.

KAUGNAY NA BALITA: Banat ni Javi Benitez: 'Mga totoong nakakaalam ng buong kuwento, tahimik lang!'