June 08, 2025

Home SHOWBIZ

Bagong sumbungan ng bayan? Rendon Labador, ibinida show sa ALLTV

Bagong sumbungan ng bayan? Rendon Labador, ibinida show sa ALLTV
Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

Ipinagmalaki ng social media personality na si Rendon Labador ang ilang mga kuhang larawan habang nasa studio ng "ALLRADIO 103.5 FM," ng FM station ng ALLTV na pagmamay-ari ng dating senador at business magnate na si Manny Villar, na umeere naman sa Channel 2.

Bagama't wala pa raw tiyak na pangalan ang show, mukhang ang genre ng nabanggit na programa ni Labador ay "sumbungan ng bayan."

"NASA TV NA TAYOOO Bigyan ng jacket yan!!!"

"Basta kapag wala kang kakampi, alam mo na kung saan ka mag susumbong.. Pag sasampaln natin sila ng katotohanan #abangan ALLTV"

Red Sternberg, planong bumalik sa showbiz bago sumakabilang-buhay

"Ano magandang pangalan ng show?" aniya.

Kilala si Rendon sa "pambabarda" at paninita noon sa mga celebrity matapos masangkot sa iba't ibang isyu, kagaya na lamang nina Marc Pingris, Deanna Wong. Vice Ganda, at marami pang iba. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang ilang kapwa social media personalities na nalagay sa isyu, at ang huli nga rito, ay si "Pambansang Yobab" Euleen Castro.

KAUGNAY NA BALITA: Mag-gym daw: Rendon kay Pambansang Yobab, 'Pakainin kita ng dumbbells!'