June 08, 2025

Home BALITA

Teves, nakatakdang ilipat sa BuCor—NBI

Teves, nakatakdang ilipat sa BuCor—NBI
Photo courtesy: via NBI

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakatakdang ilipat patungong Bureau of Corrections si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ngayong Biyernes, Mayo 30, 2025.

Sa panayam ng Unang Balita kay NBI Director Jaime Santiago nitong Biyernes, sinabi niyang ngayong umaga nakatakdang ilipat sa BuCor si Teves matapos ang nakatakda niya ring pagharap sa media.

“This morning po…yung mga kasamahan natin sa media nagre-request sila ng interview so ihaharap ko sa kanila nang sandali. Tapos didiretso na sa Bureau of Corrections (BuCor),” ani Santiago.

Paliwanag ni Santiago, ililipat si Teves sa BuCor dahil wala raw silang kaukulang detention cell sa kanilang tanggapan.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

“Bureau of Corrections kasi nandoon ang aming detention cell. Wala kaming detention cell dito sa aming opisina,” anang NBI Director.

Dagdag pa niya, “Pinahiram sa amin ang Building 14 kung saan lahat ng detainees ng NBI doon inilalagay pero distinct and separate sa BuCor.”

Matatandaang noong Huwebes ng gabi nang dumating ang eroplanong sinasakyan ni Teves mula sa Timor Leste kung saan opisyal na nai-turn over sa Pilipinas ang kaniyang kustodiya.

KAUGNAY NA BALITA: Arnie Teves, binasahan ng Miranda Rights habang nasa eroplano

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, kinumpirmang nasa Pilipinas na si Arnie Teves

Inaresto ng Timor Leste si Teves noong Mayo 27 matapos ang kaniyang ilang taong pagtatago bunsod ng alegasyong siya ang mastermind sa umano’y pagkasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, kasama ng walo pang sibilyang nadamay, noong Marso 4, 2023.

KAUGNAY NA BALITA:  Axl Teves iginiit na kinidnap, inabuso ang ama niyang si Arnie Teves

MAKI-BALITA: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo - Sec Remulla