Nagbigay ng pahayag si Senator Loren Legarda matapos ang diyalogo sa pagitan ng mga publisher, manunulat, at iba pang creatives na nananawagang iboykot ang 2025 Frankfurt Book Fair (FBF) bilang pakikiisa sa mga Palestinong nakakaranas ng genocide sa Israel.
Ang naturang book fair kasi ay may direktang ugnayan sa Israel at sa gobyerno ng Germany na umano’y sumusuporta sa pamiminsala nito sa Gaza.
At ang Pilipinas ay magsisilbing Guest of Honour sa Frankfurt para sa taong ito batay sa pinirmahang kasunduan noong Agosto 2023 sa pagitan ng National Book Development Board (NBDB) at ng presidente at CEO ng nasabing book fair na si Juergen Boos.
Kaya sa kaniyang pahayag noong Huwebes, Mayo 29, nilinaw ni Legarda na ang pakikilahok ng Piliipinas sa Frankfurt ay walang anomang agenda maliban sa matibay na pagtindig sa sariling identidad at kuwento ng bansa.
"Our participation aligns with no agenda but our own: a firm assertion of our identity and stories, including those born of struggle, resistance, and survival, shaped by a long history of colonization once toppled by words that stirred Filipino to freedom,” saad ni Legarda.
Dagdag pa niya, nauunawaan at iginagalang umano ng senadora ang panawagan ng ilan na iboykot ang book fair.
"I will never seek to silence it, nor offer a counter-argument. But walking away is not the only form of resistance. Sometimes, showing up—to speak, to challenge, to engage, to engage in critical discourse, and to insist on being heard—is the more difficult and consequential act,” ani Legarda.