June 07, 2025

Home BALITA Politics

Kampo ni Rep. Albee Benitez, pinabulaanan alegasyon ng kaniyang estranged wife

Kampo ni Rep. Albee Benitez, pinabulaanan alegasyon ng kaniyang estranged wife
Photo Courtesy: Albee Benitez (FB)

Naglabas ng pahayag ang panig ni dating mayor at ngayo’y Bacolod lone district Rep. Albee Benitez kaugnay sa paratang ng estranged wife niyang si Dominique “Nikki” Lopez Benitez.

Batay sa isang kumakalat na sworn complaint-affidavit ni Nikki, nagkaroon umano ng paglabag ang kongresista sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC) dahil sa "emotional at psychological abuse" na ginawa nito sa kaniya matapos ang umano'y "extra-marital affairs" nito sa Kapamilya sexy star na si Ivana Alawi.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nakaladkad sa VAWC case ng estranged wife ni Albee Benitez

Ngunit ayon sa abogado ni Benitez na si Atty. Peter Sanchez, isinampa umano ni Nikki ang naturang kaso matapos simulan ng kaniyang kliyente ang annulment proceedings noong 2024.

Politics

Reso ni Bato para ibasura paglilitis kay VP Sara, ‘walang sense’ —Lacson

“This case was filed shortly after Mayor Benitez initiated annulment proceedings in 2024, raising serious doubts about the complainant's motives. The VAWC complaint hinges on allegations dating back as far as 21 years ago,” saad ni Sanchez.

“Every property acquired during the marriage-including the multi-million peso residences in Forbes Park and Dasmariñas Village was fully paid for by Mayor Benitez using his own resources, but titled in the name of the complainant, Dominique Lopez-Benitez,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa ng abogado, “This also includes high-value assets such as condominium units, luxury vehicles, and a substantial amount of publicly listed shares, all of which were funded by Mayor Benitez but registered under her name.”

At sa kabila din umano ng judicial dissolution ng kanilang mga ari-arian noong 2004, patuloy umano ang pagbibigay ni Benitez ng hindi lang ordinaryong suporta kundi “high standard of living.”

Kaya ani Sanchez, “It is equally unsettling that a third party has been unnecessarily dragged into this private matter. The mention of individuals unrelated to the merits of the case only serves to divert attention and inflame public sentiment in the complainant's favor.”

Nanatili umano si Benitez sa pakikipagtulungan sa mga legal na proseso at kumpiyansa siyang walang katotohanan ang lahat ng paratang sa kaniya.

Kaya nanawagan ang abogado ni Benitez sa publiko at sa media na ipaubaya sa legal na sistema ang naturang isyu at huwag gawing eksaherado.

Matatandaang naisyu sina Alawi at Benitez noong 2024 matapos umano nilang maispatang magkasama sa Japan. Ngunit pareho nilang pinabulaanan ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: May resibo! Ivana at Mayor Albee naispatan daw sa Japan

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

KAUGNAY NA BALITA: Ito nga ba ang sagot ni Ivana Alawi sa pagkaka-link kay Mayor Albee?