June 09, 2025

Home BALITA National

Heidi Mendoza sa lumutang na ka-apelyido ng ilang senador sa CF ng OVP: 'Insulto ito!'

Heidi Mendoza sa lumutang na ka-apelyido ng ilang senador sa CF ng OVP: 'Insulto ito!'
Photo Courtesy: Heidi Mendoza (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang dating komisyuner ng Commission on Audit (COA) na si Heidi Mendoza matapos lumutang ang apelyido ng ilang senador sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP)

Sa isang Facebook post ni Mendoza nitong Biyernes, Mayo 30, sinabi niyang isa umanong insulto sa sambayanang Pilipino ang walang pag-iingat na paglustay sa pondo ng bayan.

“Hindi ito nakakatawa,” ani Mendoza. “Iinsulto ito sa bawat mamamayang Pilipino! 

“Hindi man lang pinaghirapan ang paghahabi ng kasinungalingan upang itago ang pagwawaldas ng pera ng bayan, pinaglaruan ang audit rules on liquidation of confidential funds at ngayon matatapang pang mang hamon at manakot,” dugtong pa niya.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Kaya ang hamon ni Mendoza , i-audit lahat ng confidential funds.

“Revisit the audit guidelines. No to confidential funds in 2026 budget!” pahabol pa niya.

Kabilang sa mga umano’y benepisyaryo ng confidential funds ay sina “Beth Revilla,” “Janice Marie Revilla,” “Diane Maple Lapid,” “John A. Lapid Jr.,” “Clarisse Hontiveros,” “Kristine Applegate Estrada,” at “Denise Tanya Escudero.”

Matatandaang kamakailan lang ay nadawit din dito ang pangalan nina Congressman-elect Atty. Chel Diokno at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

MAKI-BALITA: Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?