Nagpaabot ng pasasalamat si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos nitong hindi tanggapin ang kaniyang courtesy resignation.
Sa kaniyang pahayag noong Huwebes, Mayo 29, 2025, sinabi niyang tuloy daw ang kanilang misyon matapos ang kaniyang pasasalamat sa Pangulo.
“I thank the President for his continued trust and confidence as we pursue his vision of strengthening the nation's defense, protecting the patrimony of our archipelagic nation, and promoting regional peace and stability,” ani Teodoro.
Dagdag pa niya, “Our mission at the Department of National Defense continues.”
Matatandaang isa si Teodoro, kasama ng magkapatid na sina Justice Secretary Boying Remulla at Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla, ang mananatili pa rin sa posisyon.
Noong Huwebes din nang kumpirmahin ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naging resulta umano ng pagsusumite nina Remulla ng kanilang courtesy resignation.
“Yeah, yeah, definitely that [courtesy resignation] was declined,” ani Bersamin sa media.
Samantala, matapos muling makumpirma ang kaniyang pananatili sa posisyon, nakatakda namang dumalo bilang kinatawan ng Pilipinas si Teodoro sa 22nd International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue, mula nitong Biyernes, Mayo 30 hanggang Hunyo 1 sa Singapore.