Sumakabilang-buhay na si dating T.G.I.S. star Red Sternberg sa edad na 50 noong Martes, Mayo 27.
Ang T.G.I.S. ay isang youth-oriented show na umere sa GMA Network mula 1995 hanggang 1999.
Matatandaang ginampanan ni Red ang karakter ni “Kiko” bilang pinakamakulit sa barkada kung saan niya nakasama sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Bernadette Allyson, at marami pang iba.
Sa latest Facebook post ni Sandy Sternberg nitong Biyernes, Mayo 30, kinumpirma niya ang pagpanaw ng mister niyang si Red.
“My husband suddenly passed away the morning of Tuesday, May 27th,” saad ni Sandy. “To those who knew him from his early acting days, he was 'Kiko,' but to our three kids and I he was simply Daddy/Dada. Today would have been his 51st birthday.”
Kaya naman mahirap para sa kaniya na humanap ng mga salita para sabihing ito ang pinakamalaking dagok na dumating sa buhay niya.
Ani Sandy, “It is hard to find the words right now to say that this has been the most difficult time I have ever gone through my whole life. To be greeted ‘happy birthday’ and ‘sorry for your loss’ at the same time three consecutive days of what was supposed to be a celebration full of birthdays.
“May was our month! 5th, 28th, 29th and 30th,” dugtong pa niya.
Sa huli, nakiusap si Sandy sa publiko na isama sila ng pamilya niya sa mga dasal at panalangin. Humingi rin siya ng privacy sa gitna ng kanilang pinagdadaanan.
Iaanunsiyo naman sa mga susunod na araw ang tungkol sa memorial arrangement ni Red.