June 08, 2025

Home BALITA Metro

Babaeng lumabas sa isang imburnal sa Makati, bibigyan ng ₱80K

Babaeng lumabas sa isang imburnal sa Makati, bibigyan ng ₱80K
Photo Courtesy: DSWD (FB)

Natunton na ng mga awtoridad ang misteryosang babae na biglang lumabas sa isang imburnal sa Rufino at Adelantado Street sa Legazpi Village, Makati City kamakailan.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes, Mayo 30, magbibigay sila ng ₱80,000 sa naturang babae na kinilalang si “Rose.”

“Ang magiging intervention natin kay Rose, pangarap daw niya kasing magkaroon ng tindahan at sa assessment ng ating social worker ay kaya naman niya,” saad ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Dagdag pa niya, “Si Jerome, ang kanyang partner, ay dadalhin din niya sa atin baka matulungan sa training dahil marunong mag-welding. So, baka matulungan sa pagbili ng welding machine para ‘yong kita nilang dalawa mas maging stable.”

Metro

Walang bollard? Van, aksidenteng sumampa sa loading area ng NAIA Terminal 2

Bukod dito, nakahanda ring makipagtulungan si Rose sa DSWD upang kumbinsihin ang iba pang indibidwal at pamilyang naninirahan sa kalsada na magsadya sa Pag-abot Center ng nasabing ahensya para mabigyan ng karampatang tulong.