May 30, 2025

Home BALITA Probinsya

Tacloban City, nagdeklara ng State of Emergency dahil sa San Juanico Bridge

Tacloban City, nagdeklara ng State of Emergency dahil sa San Juanico Bridge
Photo courtesy: Tacloban City Council/Facebook

Nagdeklara na ng State of Emergency ang Tacloban City Council dahil pa rin umano sa nananatiling limitadong pagdaan at paggamit sa San Juanico Bridge.

Sa opisyal na pahayag ng Tacloban City Information Office nitong Huwebes, Mayo 29, 2025, iginiit nilang ianunsyo nila ang naturang deklarasyon upang maisaayos ang lahat ng pangangailangan ng kanilang lugar matapos na malimitahan ang pagpasok ng mga pangunahin nilang pangangailangan.

"The Tacloban City Council declares the city under a state of emergency today, May 29, 2025, following the limited access to San Juanico Bridge. This move aims to mobilize resources quickly and ensure public safety, especially as the San Juanico Bridge serves as a critical lifeline for goods, medical supplies, and travel between Leyte and Samar," anang City Council.

Isinaad din ng City Council ng Tacloban na naaapektuhan na rin daw ang lagay ng ekonomiya ng kanilang lugar matapos ideklara ang limitadong pagpapadaan sa San Juanico Bridge na nag-uugnay sa Leyte at Samar. 

Probinsya

ZUMBAkbakan?' Zumba sa Koronadal City, nauwi sa rambol!

"With restricted access to San Juanico, the main gateway in and out of Tacloban, the city is facing serious concerns related to economic flow, emergency response, and supply chain delays. This declaration allows the local government to act faster, allocate emergency funds, and coordinate with national agencies for support," anila.

Matatandaang kamakailan lang nang inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanganganib na ang istraktura ng naturang tulay kung kaya't pinagbawal muna nila ang pagdaan nang mabibigat na sasakyan dito habang ikinakasa ang pagkukumpuni.