May 31, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ivana Alawi, nakaladkad sa VAWC case ng estranged wife ni Albee Benitez

Ivana Alawi, nakaladkad sa VAWC case ng estranged wife ni Albee Benitez
Photo courtesy: via MB/Albee Benitez (FB)

Usap-usapan ang isang kumakalat na sworn complaint-affidavit hinggil sa pagsasampa ni Dominique “Nikki” Lopez Benitez sa kaniyang estranged husband na si dating Bacolod City Mayor Albee Benitez, na nanalo naman sa pagkakongresista ng lone district of Bacolod sa nagdaang 2025 National and Local Elections.

Ang nabanggit na umano'y kaso ay paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC), matapos daw magkaroon ng "emotional at psychological abuse" ang estranged wife sa umano'y "extra-marital affairs" ng estranged husband.

Nabanggit umano sa naturang dokumento ang pangalan ng Kapamilya star-vlogger na si Ivana Alawi.

Isinampa ang reklamo sa Makati City Regional Trial Court.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz may payo sa mga nagfo-food review na 'di nasarapan

Isang nagngangalang Jonathan Dela Cruz ang nagbahagi ng dokumento ng sworn complaint-affidavit sa isang social media platform.

Batay sa affidavit, matagal na raw nababalitaan ni Nikki na may ibang karelasyon ang mister subalit ipinagkibit-balikat lamang daw wala raw siyang sapat na mga ebidensya.

Dumating na raw sa punto na naghain ang dating Bacolod City mayor ng "Petition for Declaration of Nullity of Marriage."

Nabasa raw ni Nikki ang pag-amin ni Albee na nagkaroon siya ng dalawang anak sa ibang babae habang sila ay mag-asawa.

Nakasaad din sa dokumento ang "his implied admissions of his current illicit relationship with Ivana Alawi, that I was able to confirm his marital infidelity..."

Dito raw nag-ugat ang sinasabing emotional at psychological abuse na inirereklamo ni Nikki laban sa estranged husband.

Photo courtesy: Reddit via PEP
Photo courtesy: Reddit via PEP

Matatandaang naisyu na noong 2024 si Alawi kay Benitez matapos raw silang maispatang magkasama sa Japan.

MAKI-BALITA: May resibo! Ivana at Mayor Albee naispatan daw sa Japan

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

Nauna na ring itinanggi ni Mayor Albee ang tungkol sa pagkaka-link niya kay Ivana, ayon na rin sa naibalita ni Ogie Diaz sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

"As for recent personal matters, I kindly request understanding and respect for privacy to shield all innocent parties involved. In my private capacity as a film and TV program producer, my professional interaction with various celebrities is inherent to the nature of the business. At this moment, my primary focus is on safeguarding the interests of Bacolod City," anang alkalde.

Pinabulaanan naman ng sexy actress-influencer ang pagkakaroon ng intimate relationship sa nabanggit na politiko.

Nag-post naman si Ivana noon sa kaniyang Instagram na subtle way na sagot sa mga intriga.

"I can buy myself flowers ," aniya.

KAUGNAY NA BALITA: Ito nga ba ang sagot ni Ivana Alawi sa pagkaka-link kay Mayor Albee?

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Alawi at Benitez sa nabanggit na isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.