May 31, 2025

Home BALITA National

DSWD, natagpuan at nakapanayam babaeng sumulpot sa kanal sa Makati

DSWD, natagpuan at nakapanayam babaeng sumulpot sa kanal sa Makati
Photo courtesy: RoughMasterpiecei/Reddit via 24 Oras screenshot/DSWD (FB)

Natunton ng mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nag-viral na babaeng biglang lumabas sa isang drainage sa kalsada sa Makati City.

KAUGNAY NA BALITA: Sadako sa kanal? Babae sa Makati, nambulabog matapos lumabas mula sa drainage

Mababasa sa opisyal na social media platforms ng DSWD ang tungkol sa nabanggit na babae, na sasailalim sa assessment at intervention.

"Matapos mahanap at makapanayam ng Pag-abot Team ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakarating na sa Pag-abot Processing Center sa Pasay City ngayong Huwebes (Mayo 29) ang babaeng nag-viral online matapos lumitaw mula sa isang sewage sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air, Makati City," mababasa sa post.

National

Heidi Mendoza sa lumutang na ka-apelyido ng ilang senador sa CF ng OVP: 'Insulto ito!'

"Sa processing center, sasailalim siya sa masusing assessment at kaukulang interbensyon ng DSWD, batay sa kanyang sitwasyon at pangangailangan."

"Ito ay base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DSWD na maghatid ng komprehensibong interbensyon sa babae para hindi na siya muling bumalik sa lansangan."