Matapos mahimatay habang nagla-live kamakailan, inanunsyo ng content creator na si Meiko Montefalco na kinakailangan na muna niyang mamahinga sa social media at magpalakas.
Sa latest Facebook post ni Meiko, Martes, Mayo 27, sinabi niyang kailangan na muna niyang magpalakas matapos ang mga pinagdaanang stress dahil sa umano'y panloloko sa kaniya ng mister na si Patrick Bernardino.
Gayunman, hinikayat pa rin niya ang mga netizen na kung may ebidensya sila tungkol sa umano'y pangangaliwa ng mister ay ipadala lamang sa kaniya; nakahanda naman daw siyang magbayad para dito.
"Taking a time off of social media for a while," aniya.
"I have almost all of the evidences I need. All I have to do now is to hunt them."
"Maraming maraming salamat sa mga panalangin at suporta. Sa mga taong nagpapadala ng pagkain at regalo, bumibisita sa akin, nangangamusta, nag-aalala, maraming maraming salamat. Babawi ako sa pamamagitan ng pagbangon na mas malakas."
"Still though, if you have any evidence I can use to prove my husband's infidelity, just message me here. And I will still pay for a clear vid. Kahit may mga hawak na ako. Just drop it if you have. Maraming salamat."
"See you when I see you. Papalakas lang ako," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Meiko Montefalco, nahimatay habang naka-live sa social media