May 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mag-gym daw: Rendon kay Pambansang Yobab, 'Pakainin kita ng dumbbells!'

Mag-gym daw: Rendon kay Pambansang Yobab, 'Pakainin kita ng dumbbells!'
Photo courtesy: Rendon Labador (FB)/Euleen Castro (TikTok)

Niresbakan ng social media personality na si Rendon Labador ang content creator na si Euleen Castro o kilala rin sa bansag na "Pambansang Yobab" matapos ulanin ng kritisismo sa pagbibigay ng bad review at umano'y hindi magandang salita laban sa coffee shop sa Iloilo City.

Matatandaang pumalag ang pamunuan ng coffee shop sa TikTok video ni Castro, kung saan, ibinahagi ng content creator na nagsadya sila ng mga kasama sa nabanggit na kapehan sa Iloilo.

"Nag-try kami dito sa Coffeebreak. Andami. Out of all of you, all of you [mga inorder na food] walang masarap. Even the drinks. Even the lasagna. Lahat tab-ang... Ang dami n'yo diyan, walang masarap sa inyo? Ni isa? Puta,” sey ni Euleen na ang tinutukoy nga ay mga order nila.

Nagtanong siya sa mga taga-Iloilo kung anong masarap na coffee shop ang mairerekomenda sa kanila ng mga kasama niya.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz may payo sa mga nagfo-food review na 'di nasarapan

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Coffebreak Cafe International Inc. tungkol dito. Anila, tinatanggap nila ang constructive criticisms subalit kinokondena nila ang "strong and explicit language" na ginamit daw ng content creator sa naging review niya.

"Thank you for sharing your thoughts Ms. Euleen Castro about your recent visit to Coffeebreak. We appreciate all feedback, as it helps us learn and improve."

"However, we were taken aback by the strong and explicit language used in your review. While we understand that not everyone will share the same taste, we believe that constructive criticism can always be communicated respectfully. We're proud of the word our team puts into creating a positive experience for every guest, and language that crosses the line can be dishearthening—not only to us but to the people who work hard every day to serve our customers," anila.

Bahagi pa ng kanilang pahayag ang pagsasabing 20 taon nang nagse-serve sa coffee lovers ang nabanggit na coffee shop, at wala pa silang natanggap na "insulting feedback" mula sa kanilang mga naging customer, na kagaya sa mga binitiwang salita ni Euleen.

"And we will remain committed to providing a warm, satisfying experience to every guest—and to continuosuly grow from feedback shared with sincerity and RESPECT," pangwakas na talata nila.

KAUGNAY NA BALITA: Coffee shop, umalma sa bad review ni Euleen Castro

Hindi lamang ang pamunuan ng coffee shop, mga netizen, at mga Ilonggo ang pumalag tungkol dito kundi maging si Iloilo City Mayor Jerry Treñas ay naglabas na rin ng opisyal na pahayag patungkol sa video ni Castro. Hinikayat niya ang mga Ilonggo na huwag nang i-share at huwag i-view ang nabanggit na video.

"Mayor Jerry P. Treñas respectfully appeals to our fellow Ilonggos to stop sharing or reposting the video related to the recent incident at Coffeebreak. If you have already shared it, we kindly urge you to consider deleting the post."

"As Ilonggos, we take pride in our values of respect, compassion, and community support. Content that spreads negativity or uses hurtful language does not represent who we are as a people. Reposting the video only amplifies the harm and contributes nothing to the resolution of the issue."

"Let us choose to be responsible and respectful online citizens," aniya.

MAKI-BALITA: Iloilo City Mayor umapela sa mga Ilonggo ukol sa video ni Euleen Castro

Samantala, hindi rin pinalagpas ni Rendon ang nabanggit na insidente.

"PAALALA PO: Hindi ginawa yung 'NO TO BODY SHAMING' para maka ligtas po kayo sa mga katangahan ninyo, i-ayon sana natin palagi yung ugali natin sa mga itsura natin," panimula ni Rendon sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Mayo 28.

“Titignan muna ang itsura mo bago pakinggan ang mga sasabihin mo”

"NO TO BODY SHAMING dapat talaga. Kaso ang sampal ng katotohanan dito sa Pinas, bago ka pakinggan ay titignan muna itsura mo. Kaya na bash kasi bago sa socmed yung baboy na nag rereklamo."

"Kumbaga dapat i-ayon sana yung ugali sa itsura‍ Masisi mo ba yung mga taong nagalit. Kawawa din kasi yung negosyante na may ari ng Coffee Shop, biro mo ang hirap mag tayo at mag survive ng negosyo tapos biglang sisiraan ka lang."

"Okay lang mag negative feedback, pero sana yung feedback na hindi naman up to the point na masisira na image nung business."

"Yung babae kasi laman lang ng tiyan ang problema niya, yung negosyante madaming responsibilidad sa negosyo at mga empleyado niyang umaasa sa negosyo niya."

"NO TO BODY SHAMING pero kung ganyan kasi ugali, hindi worth it ipag laban. Mag gym ka nalang, pakainin kita ng dumbells."

"HUWAG NINYO GAMITING pang laban yung salitang 'NO TO BODY SHAMING' sa mga taong HAYOP ang ugali, Hindi po yan ginawa para maligtas kayo sa katangahan ninyo," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Euleen tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.