Tila walang masamang tinapay sa pagitan nina John Paul “H2wo” Salonga at Mika Salamanca matapos ang kanilang hiwalayan noong 2024.
Makikita kasi sa Facebook account ni H2wo kamakailan na nire-share niya ang poster Pinoy Big Brother para hikayating iligtas sa bingit ng eviction si Mika.
“Vote to save MIKA with Maya para mag-stay pa sa Bahay ni Kuya! ” saad sa caption ng PBB.
Wala namang inilagay na anomang caption si H2wo sa kaniyang shared post ngunit malinaw sa ilang netizen na ito ay pagpapakita niya ng suporta sa kaniyang ex-jowa.
In fact, nagkomento pa mismo ang nanay ni Mika para pasalamatan si H2wo.
Anito, “Thank you JP.”
“You're welcome po tita, support lang ” sagot naman ng esports athlete.
Matatandaang “lack of growth” umano ang ugat ng hiwalayan nina H2wo at Mika batay sa kanilang video statement na ibinahagi sa Instagram noong Marso 2024.
Pero sa kabila ng nangyari, wala naman daw namuong sama ng loob sa pagitan nilang dalawa.