May 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Disiplina sa mga Pinoy: Ai Ai tuwang-tuwa sa NCAP, 'Tama ang nakaisip nito!'

Disiplina sa mga Pinoy: Ai Ai tuwang-tuwa sa NCAP, 'Tama ang nakaisip nito!'
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas (FB)

Nagpahayag ng pagsuporta ang Kapuso Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas sa kasalukuyang pinatutupad na No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang mga major roads sa Metro Manila.

Aniya sa kaniyang Facebook post, tuwang-tuwa ang komedyana na unti-unti raw ay natututo na ng disiplina ang mga Pilipino lalo na ang mga motorista.

"Nakakatuwa na tayong mga pilipino ay natututo na ng disiplina.." saad ni Ai Ai, kalakip ang isang larawan ng umano'y epekto ng NCAP sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Tama ang nakaisip nito , isa to sa dahilan na simulana akong matutong mag drive sa amerika nahihirapan nako mag drive dito dahil nga biglang sumusulpot kanan kaliwa ang mga sasakyan at motor atleast ngayun susunod ka na sa lane and ticket ang he hello sayo... wala ng paliwanag bayad ka .. and sana sa tiktok imbis na alaskahin nyo yung mga sumusunod dapat nga matuwa kayo and encourage sila na sumusnod lalo .. may isa pa kong nabasa sa comment na bakit mahihirap daw pinahihirapan mga motor..maraming mayaman ang na ka motor hello..."

Tsika at Intriga

Ogie Diaz may payo sa mga nagfo-food review na 'di nasarapan

"Jusko kuya ano bang mentalidad yan ang disiplina hindi lang pang mahirap pang kalahatan yan....Discipline isn't just for the poor—it's a responsibility for everyone."

"A truly great country is built when all its citizens uphold order, respect, and responsibility.. sa wakas mukang makaka drive nako ulit sa pilipinas.. pero i renew ko muna ang lisensya ko .. anyways congrats sa nag pa tupad neto," aniya pa.