May 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Celebs, netizens muntik atakihin sa puso sa art card ni Jennica Garcia

Celebs, netizens muntik atakihin sa puso  sa art card ni Jennica Garcia
Photo courtesy: Jennica Garcia (IG)

Kinabahan daw ang mga kapwa celebrities at maging netizens sa naka-post na art card ng aktres na si Jennica Garcia sa kaniyang Instagram post.

Napa-second look ang mga nakakita nito at binasang mabuti kung ano ang nakalagay sa announcement.

Inakala raw kasi ng mga kasamahan sa showbiz at maging ng mga tagahanga ng anak ni Jean Garcia, na baka may malungkot at nakabibiglang nangyari kay Jennica.

Tila traumatized na kasi ang mga taga-showbiz at netizens sa sunod-sunod na pagpanaw ng mga artista at music icons, na ang huli nga ay si Ka Freddie Aguilar.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz may payo sa mga nagfo-food review na 'di nasarapan

KAUGNAY NA BALITA: Freddie Aguilar, inihatid na sa huling hantungan

Anyways, tungkol lang pala sa Grand Sagalahan ang nabanggit na post, kung saan, naimbitahang "Reyna Emperatriz" si Jennica.

Isa nga sa mga kinabahan sa nabanggit na post ay si Kapamilya host Melai Cantiveros.

"Natakot ako partner baaaaaa anu kaba," ani Melai.

"SAKAPAAAAA " natatawang tugon na lamang ni Jennica.

Sey naman ni Alora Sasam, "Kinabahan ako dzaii!!"

Hirit naman ni Lovely Abella, "Gaaaa bat ganyan!!!! "

Si Janine Gutierrez naman na namatayan ng dalawang lola noong Abril (Pilita Corrales at Nora Aunor), "Bebeeeee bakit ganyan Puso ko."MAKI

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, doble dalamhati sa pagpanaw ng dalawang lola

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Kung sino man po namili ng layout sana masarap ang ulam mo. Nagbukas lang ako ig, muntik ako ma-heart attack."

"aang sakit sa puso ng design hahahaha nakakaloka kinabahan ako"

"Kinabahan naman ako! Hahaha"

"Bakit naman kasi ganiyan ang design nakakaloka hahaha."

"BAT NAMAN GANITO AN GDESIGN GULAT AKO PAGBUKAS KO NG IG ITO BUMUNGAD."

Magaganap ang Santacruzan sa isang chapel sa Bocaue, Bulacan sa darating na Biyernes, Mayo 30.