May 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ai Ai, iginiit na 'di lang para sa mahihirap ang disiplina kundi para sa lahat

Ai Ai, iginiit na 'di lang para sa mahihirap ang disiplina kundi para sa lahat
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas (FB)

Ipinagdiinan ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas na ang disiplina ay hindi lamang para sa mahihirap kundi responsibilidad para sa lahat.

Sa kaniyang Facebook post noong Martes, Mayo 27, natuwa ang komedyana sa ipinatutupad na No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang major roads sa National Capital Region (NCR).

Para kay Ai Ai, tama raw ang nakaisip ng ganitong polisiya at nararapat lamang para madisiplina ang mga Pilipino, lalo na ang mga motorista.

"Nakakatuwa na tayong mga pilipino ay natututo na ng disiplina.." saad ni Ai Ai, kalakip ang isang larawan ng umano'y epekto ng NCAP sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz may payo sa mga nagfo-food review na 'di nasarapan

Tama ang nakaisip nito , isa to sa dahilan na simulana akong matutong mag drive sa amerika nahihirapan nako mag drive dito dahil nga biglang sumusulpot kanan kaliwa ang mga sasakyan at motor atleast ngayun susunod ka na sa lane and ticket ang he hello sayo... wala ng paliwanag bayad ka .. and sana sa tiktok imbis na alaskahin nyo yung mga sumusunod dapat nga matuwa kayo and encourage sila na sumusnod lalo .. may isa pa kong nabasa sa comment na bakit mahihirap daw pinahihirapan mga motor..maraming mayaman ang na ka motor hello..."

"Jusko kuya ano bang mentalidad yan ang disiplina hindi lang pang mahirap pang kalahatan yan....Discipline isn't just for the poor—it's a responsibility for everyone."

"A truly great country is built when all its citizens uphold order, respect, and responsibility.. sa wakas mukang makaka drive nako ulit sa pilipinas.. pero i renew ko muna ang lisensya ko .. anyways congrats sa nag pa tupad neto," aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: Disiplina sa mga Pinoy: Ai Ai tuwang-tuwa sa NCAP, 'Tama ang nakaisip nito!'