Naghayag ng suporta ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) para kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.
Sa inilabas na pahayag ng COCOPEA noong Lunes, Mayo 26, nanawagan silang panatilihin si Angara sa posisyon nito bilang kalihim ng DepEd matapos ang ginawang “courtesy resignation” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon sa kanila, ipinakita umano ni Angara ang malalim nitong pangako sa pakikipagtulungan sa mga pampubliko at pribadong sektor ng edukasyon simula nang maitalaga bilang kalihim ng ahensya.
“His leadership has been instrumental in advancing the Public-Private Complementarity Framework, which aims to address longstanding challenges in the Philippine education system through strategic partnerships and shared responsibilities,” saad ng COCOPEA.
Dagdag pa nila, “Under Secretary Angara's guidance, initiatives such as the development of a three-year action plan for public-private complementarity have been set in motion, reflecting his dedication to inclusive and evidence-based policymaking.”
Kaya sa huli, iginiit ng COCOPEA sa pangulo na huwag alisin sa puwesto si Angara upang maipagpatuloy nito ang nasimulang reporma sa sektor ng edukasyon.
Matatandaang nauna nang nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) upang idulog din sa pangulo ang naturang isyu.
MAKI-BALITA: Ilang Catholic schools, nanawagan kay PBBM na manatili sa DepEd si Sec. Angara