Ikinagulat ng mga motorista at residente sa bandang Rufino at Adelantado Street sa Legazpi Village, Makati City ang biglang paglabas ng isang babae mula sa isang kanal sa kalsada.
Ayon sa ulat ng "24 Oras," ibinahagi ng uploader ng mga larawan sa social media platform na "Reddit" na nagulat daw ang mga nakakita sa biglang pagsulpot ng ulo ng isang babae sa nabanggit na drainage. Maya-maya raw ay bigla na itong lumabas mula rito at nagtatatakbo. Hinabol naman daw ito ng ilang security personnel sa lugar.
Hindi pa raw malinaw kung ano ang ginagawa ng babae sa loob ng drainage, at kung bakit ito nagtatatakbo. Hindi rin malinaw kung kailanat paano siya nakapasok sa loob, o sa ibang kanal siya lumusot at dumaan sa makipot na tunnel sa loob.
Mabuti na lamang at hindi siya nabangga o nabundol ng mga nagdaraang sasakyan sa lugar.
Tiniktik naman ng mga awtoridad kung ano ang mayroon sa loob ng drainage subalit wala silang nakitang anumang bagay na maaari nitong balikan pa. Nilagyan na rin ng steel railing ang kanal upang hindi na makalusot at makabalik sa loob ang babae.
Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Sadako sa kanal?"
"Sino ba naman hindi matatakot kay ateh, yung bigla na lang siyang lilitaw."
"Huwag natin pagtawanan, baka may problema sa pag-iisip."
"baka may problema yan sa pag iisip, hindi yan dapat tinatawanan"
"Time traveler po yan nagkataon dun sya pinadaan sa drainage hehehehe"
"May tinakasan na lugar tas kanal ang daanan tas yan yung labasan na pwede lang lusutan."
"Malaki kasi ang drainage sa ilalim. Lalo na yun manhole na binababaan ng mga Maynilad puede ka tumira sa loob at puede lagyan kumpletong gamit. May hagdan. Sinilip ko talaga ng may ginagawa sila. Maliit na manhole pero akala mo basement sa loob. Tabi din kami ng tulay magugulat ka meron lumalabas na ganyan sa gitna ng edsa gilid ng MRT yun pala nakatira sa ilalim ng tulay naka hang ang tirahan nila sa ilalim ng tulay para di maabot ng tubig."
"Dapat imbestigahan bka kidnap victim or something related sa mga ganyan pero nakatakas lang."
"So scary naman, paano nalang bgla lumabas yan sa gabi? Hehehe"
Wala namang pahayag ang Makati Police at ang Makati Central Estate Association (MACEA) patungkol sa nabanggit na insidente.