Binalikan ng mga netizen ang post kamakailan ng misis ni OPM icon at singer-songwriter Freddie Aguilar na si Jovie Gatdula Albao.
Sa Facebook post ni Jovie noon pang Miyerkules, Mayo 21, naghayag siya ng nararamdaman matapos makatanggap ng sangkaterbang mensahe.
“Nakakatouched yung mga kinukumusta rin ako sa gitna ng kalagayan ni Freddie. Hindi ko kayo maisa-isa replayan pero wag kayo mag alala ok lang ako, always finding courage in the face of fear,” saad ni Jovie.
Dagdag pa niya, “Ang daming nangyayari this week, maraming nakakaiyak na moments pero hindi pa tayo pwedeng maging mahina. Kailangan ko palaging maging malakas para mabantayan ko sya oras-oras.”
Bagama’t hindi nakapagbigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa kalagayan ni Freddie, tiniyak naman ni Jovie na nasa maayos na kalagayan naman daw ang huli.
Ngunit dinagsa na ng pakikiramay ang comment section ng post ni Jovie matapos maiulat ang pagpanaw ni Freddie. Narito ang ilan sa komento ng mga netizen:
"Condolence be "
"Condolence mam jovie"
"Condolence po "
"Ka Freddie "
"Condolence po maam jovie"
"be strong po ma'am"
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring pahayag si Jovie kaugnay sa pagpanaw ng OPM icon. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.
MAKI-BALITA: Freddie Aguilar, pumanaw na sa edad na 72