Nahimatay ang content creator na si Meiko Montelfaco habang naka-live sa Facebook nitong Lunes ng gabi, Mayo 26.
Sa unang bahagi ng live na naka-post sa Facebook niya, mapapanood ang sobrang pag-iyak ni Meiko hanggang sa wala nang marinig na iyak galing sa kaniya.
Makikitang pumasok sa kwarto ang kasama sa bahay ni Meiko at ginigising siya ngunit hindi na siya nagre-response.
Sinubukan din gisingin si Meiko ng kaniyang anak ngunit wala pa ring nangyayari.
Kinumpirma naman ng content creator na si Daniel Laudit ang nangyari sa kaniyang kaibigan.
Sa isang video, ikinuwento niya na marami raw ang nagta-tag sa kaniya dahil hindi na nga raw nagsasalita si Meiko. Kaya naman humingi rin siya ng tulong sa kanilang mga kaibigan.
Naisugod naman daw sa ospital si Meiko matapos ang pangyayari.
Samantala, nakauwi na si Meiko galing ospital nitong Martes ng madaling araw, Mayo 27, ayon kay Daniel.
Habang isinusulat ito, wala pang post si Meiko kung ano ang tunay na nangyari sa kaniya.
Matatandaang usap-usapan ngayon social media si Meiko dahil sa umano'y panloloko sa kaniya ng mister na si Patrick Bernardino.
BASAHIN: Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!