May 28, 2025

Home BALITA National

Mayor Joy, Mayor Benjie, at Mayor Vico nagpulong para sa 'Good Governance'

Mayor Joy, Mayor Benjie, at Mayor Vico nagpulong para sa 'Good Governance'
Photo courtesy: Mayors for Good Governance (FB)

Sa pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama at nagsagawa ng pulong sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at Pasig City Mayor Vico Sotto para pag-usapan ang "Good Governance" ng mga nahalal na alkalde.

Sina Belmonte, Magalong, at Sotto ay pare-parehong nakabalik sa kani-kanilang termino matapos tumakbo at manalo sa naganap na 2025 National and Local Elections.

Sila rin ay convenors ng "Mayors for Good Governance" o samahan ng mga alkalde sa bansa.

"Ngayong araw, nagpulong ang ilan sa ating M4GG convenors na sina Mayor Benjie Magalong, Mayor Joy Belmonte, at Mayor Vico Sotto," mababasa sa post sa official Facebook page ng samahan.

National

'The spirit of QUADCOMM lives on!!!' Rep. Luistro, flinex kasamang 'mentors'

"Napag-usapan ng ating tatlong convenors ang nagdaang halalan at ang kanilang paghahanda sa kanilang bagong termino."

"Gayundin, napag-usapan din nila ang pagpapalakas pa ng Mayors for Good Governance, pag-capacitate sa mga miyembrong alkalde at kanilang LGUs, at patuloy na pagsusulong ng mga adbokasiya nito."

"Naipanalo natin ang mabuting pamamahala, ngunit tuluy-tuloy ang ating trabaho upang tunay na maramdaman ito ng ating mga kababayan! Sumama na sa ating krusada!" mababasa pa.