May 29, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mag-amang Freddie at Maegan Aguilar, buti raw nagkaayos pa bago pumanaw

Mag-amang Freddie at Maegan Aguilar, buti raw nagkaayos pa bago pumanaw
Photo courtesy: Maegan Aguilar, Freddie Aguilar (FB)

Marami sa mga netizen ang nagulat sa pagkamatay ng isa sa mga Original Pilipino Music (OPM) icon na si Ka Freddie Aguilar, na sikat sa kaniyang mga ambag sa industriya ng musika dahil sa mga tumatak niyang awitin, na ang ilan ay ginamit pang theme song at pamagat ng pelikula.

KAUGNAY NA BALITA: Freddie Aguilar, pumanaw na sa edad na 72

At kapag sinabing "Ka Freddie," ang unang kantang pumapasok sa isipan ng mga tao, ay ang award-winning song niyang "Anak" na nagkaroon pa ng translated version sa iba't ibang bansa. Naging theme song at pamagat din ito ng pelikulang pinagbidahan nina Star For All Seasons Vilma Santos-Recto at Optimum Star Claudine Barretto.

Speaking of anak, isa nga sa mga inalala ng netizens sa balita ng pagpanaw ni Ka Freddie ay ang anak na singer na si Maegan Aguilar.

Tsika at Intriga

'Papalakas lang ako!' Meiko, pahinga muna sa socmed matapos mahimatay

Bukas naman sa publiko na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa, matagal bago sila nagkaayos, at nangyari ito noong 2023.

KAUGNAY NA BALITA: Mga kapamilya at kaanak, bawal lapitan o hawakan bangkay ni Maegan Aguilar

Matapos ang iba't ibang isyu sa kanilang pamilya, noong Nobyembre 21, 2023 ay muling nagkita ang mag-ama bagay na ikinatuwa nang labis ng mga tagahanga at tagasubaybay.

Sabi ni Maegan, sa wakas daw ay nayakap na niya ang amang si Ka Freddie.

"Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko," mababasa sa Facebook post ni Maegan.

"I love you po tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin I missed you so much tay & looking forward to spending more quality time with you and the kids and the rest of our family. May God bless us always."

Sa Facebook post naman ni Ka Freddie ay ipinakita niya ang family dinner nila ni Maegan at mga apo.

"We had early dinner tonite together with my daughter Maegan, my grand daughters Layla Sky, Mahi Vae and Anaya ALHAMDULILLAH," ani Freddie.

KAUGNAY NA BALITA: Maegan muling nakapiling, nakayakap ang amang si Freddie Aguilar

Abril 9, 2025, ibinida ni Freddie ang selebrasyon ng kaarawan ni Maegan kasama ang mga apo.

"Maegan's birthday todayHappy happy birthday anak and may you have many many more birthdays to come. We love you and miss you All the best Megs In Sha ALLAH," ani Freddie.

Kaya sa pagpanaw ng OPM icon, napasabi ang mga netizen na buti na lamang daw at nabigyan ng pagkakataon ang dalawa na magkaayos.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, pahayag, o post si Maegan patungkol sa pagpanaw ng kaniyang ama.