May 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid, inintrigang engaged na dahil sa video

Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid, inintrigang engaged na dahil sa video
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Showbiz Update (YT)/Dindo Balares (IG)

Nilinaw ng journalist na si Dindo Balares ang tungkol sa isang kumakalat na video na umano'y engaged na sina Sen. Lito Lapid at Grand Slam actress Lorna Tolentino, na iniintrigang magkarelasyon matapos ang pagsasama nila sa "FPJ's Batang Quiapo."

Nakatanggap kasi si Balares ng isang tanong mula sa isang nagngangalang "Doc Ditas" kung totoo raw ba ang nakita niyang video patungkol kina Lapid at LT.

Dahil malapit naman kay Lorna, agad siyang tinanong ni Dindo at sinabi naman ng aktres na hindi ito totoo.

Mula raw ang nabanggit na video clip sa music video na pinrodyus ni Inspirational Diva Jamie Rivera kung saan sina Lapid at LT nga ang tampok.

Tsika at Intriga

Mag-amang Freddie at Maegan Aguilar, buti raw nagkaayos pa bago pumanaw

"Hi Inaanak. Sa star music video po yan," paliwanag ni LT, na tumutukoy sa music label sister company ng ABS-CBN.

"Produced by Jamie Rivera. Singer po ay si Fana, title ng song ang love story ko. Nasa you tube," dagdag na paliwanag pa ng aktres.

Photo courtesy: Dindo M. Balares via Fashion Pulis

Nagpaalam naman si Balares na ipo-post ang sagot ni LT para malinawan ang mga tao.

KAUGNAY NA BALITA: Lorna Tolentino, Lito Lapid magkarelasyon na?

KAUGNAY NA BALITA: Lito Lapid sa ugnayan nila ni Lorna Tolentino: 'Tuksu-tuksuhan lang!'