Sinagot ng isang handler mula sa Viva Artists Agency ang mga kumakalat na tsikang hiwalay na raw sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Matatandaang naglabasan sa ulat ng iba't ibang pahayagan at entertainment site ang tungkol sa mga naglalabasang espekulasyon na kesyo baka hiwalay na raw ang dalawa dahil hindi na nagpo-post ang isa't isa ng mga larawan o video na magkasama sila sa ganap.
Ayon naman sa post ng Fashion Pulis, mas lalong naintriga ang mga netizen dahil ilang mga larawan umano ni Gerald ang binura daw ni Julia sa kaniyang Instagram account.
Pero kung titingnan ang Instagram accounts ng isa't isa ay magka-follow pa rin sila.
Sa ipinadalang mensahe ng handler ni Julia sa isang lokal na pahayagan, dito ay nilinaw niyang walang katotohanan ang mga kumakalat na break-up rumors, at nananatiling okay ang relasyon ng dalawa.
Sa kabilang banda, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag mismong sina Julia at Gerald tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
KAUGNAY NA BALITA: Gerald, 'burado' na sa buhay ni Julia?