May 28, 2025

Home SPORTS

Pambato ng Eastern Visayas, inangkin unang ginto sa Palarong Pambansa

Pambato ng Eastern Visayas, inangkin unang ginto sa Palarong Pambansa
Photo courtesy: DepEd/FB

Binalikan ng 13-anyos na pambato ng Eastern Visayas ang naunsyami niyang gold title noong 2024 matapos niyang sungkitin ang unang gold medal sa Palarong Pambansa 2025 nitong Lunes, Mayo 26, 2025.

Si Chrisia Mae Tajarros ang kauna-unahang atletang nag-uwi ng gintong medalya sa pag-arangkada ng Palarong Pambansa ngayong taon matapos niyang pakainin ng alikabok ang kaniyang mga katunggali sa 3000m women’s secondary finals. 

Noong 2024 nang mabigo si Tajarros na maiuwi ang gintong medalya sa naturang torneo kung saan naibulsa naman niya ang silver medal.

Iniukit ni Tajarros ang personal record na 10 minutes at 18.6 seconds. Sumunod naman sa kaniya ang pambato ng CARAGA Region 13 na si Mary Mae Magbanua sa record na 10:48.4 at pambato ng Region 1 na si Nathalie Faye Miguel na may finishing time na 10:50.4.

Pamangkin ni Hidilyn Diaz, unang atletang sumungkit ng ginto sa weightlifting sa Palarong Pambansa

Samantala, sa pagpapatuloy ng Palarong Pambansa, nagtatangka naman ang National Capital Region (NCR) na maiuwi ang ika-18 consecutive overall championship title matapos. 

Matatandaang noong 2024 nang humakot ng 98 gold medals, 66 silvers at 74 bronze ang NCR na sinundan naman ng Calabarzon Region at Western Visayas.