Ipinamalas ng pamangkin ni 1st Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang kaniyang pagsunod sa yapak ng tiyahin matapos niyang manalo ng unang gintong medalya sa kauna-unanahang pagsalang ng weightlifting sa Palarong Pambansa nitong Lunes, Mayo 26, 2025.
Nasungkit ni Matthew Diaz ang gintong medalya sa secondary boys' 48-kilogram division matapos ang perpekto niyang pagbuhat ng 73 kilograms sa snatch at 93 kilograms sa clean and jerk.
Si Matthew ang pambato ng Calabarzon Region at isa sa mga 70 manlalaro na sumubok sa weightlifting para sa demonstration event ngayong Palarong Pambansa 2025.
Naiuwi naman ni Generosmel Cortez ng Region IX ang silver medal at Rayney Joy Espina ng National Capital Region ang bronze title.
Samantala, nitong Lunes din nang maiulat naman ang tagumpay na ipinamalas ng pambato ng Eastern Visayas na si Chrisia Mae Tajarros matapos niyang angkinin ang kauna-unahang gintong medalya sa pag-arangkada ng Palarong Pambansa.
KAUGNAY NA BALITA: Pambato ng Eastern Visayas, inangkin unang ginto sa Palarong Pambansa