May 28, 2025

Home BALITA National

‘Motion to cancel,’ ikinasa na ng DOJ sa passport ni Roque: ‘Flight is an indication of guilt!’

‘Motion to cancel,’ ikinasa na ng DOJ sa passport ni Roque: ‘Flight is an indication of guilt!’
Photo courtesy: MB file photo, screengrab Harry Roque/FB

Kumbinsido ang Department of Justice (DOJ) na masusukol nila pabalik ng bansa si dating Presidential Spokesperson Harry Roque matapos nilang ihain ang isang mosyong magkakansela sa kaniyang passport.

Sa panayam ng media kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, tinawag niyang "undocumented alien" na si Roque matapos ang naturang kanselasyon sa kaniyang pasaporte. 

"Undocumented alien na siya, depende iyan sa grant of asylum na ibibigay sa kaniya ng Netherlands pero I doubt it kasi ang Netherlands is one of the countries that against human trafficking," ani Remulla. 

KAUGNAY NA BALITA: Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’

National

'The spirit of QUADCOMM lives on!!!' Rep. Luistro, flinex kasamang 'mentors'

"It will limit his options. I think he holds two or three passports pa nga eh. May nagsabi sa akin ng ganoon. Ang mahalaga, talagang mapilitan siya mag-account sa kaniyang mga ginawa dito at at depansahan niya ang sarili niya," anang DOJ secretary.

Pinuna rin ni Remulla ang naunang pagtatago ni Roque matapos siyang lumabas ng bansa kaysa harapin daw ang mga alegasyon laban sa kaniya. 

"Hindi pa nga nagsisimula ang lahat eh, tinatakasan na n'ya. Sa batas natin, flight is an indication of guilt. Kaya sana harapin na n'ya lang para naman maging madali ang lahat sa ating bansa," saad ni Remulla. 

Matatandaang kamakailan lang nang maglabas ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 laban kay Roque at Cassandra Ong  dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

KAUGNAY NA BALITA:  Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Si Roque ay nananatili sa Netherlands habang hinihintay lumabas ang kaniyang asylum bid sa naturang bansa. 

KAUGNAY NA BALITA:  Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’