May 28, 2025

Home BALITA Metro

Mga apektado ng demolisyon sa Tondo, nanawagan ng maayos na malilipatan

Mga apektado ng demolisyon sa Tondo, nanawagan ng maayos na malilipatan
Photo Courtesy: Screenshot from MB (FB)

Binarikadahan ng mga residente ang entrance gate ng dalawang barangay sa Tondo, Maynila upang mapigilan ang pagpasok ng demolition team at kapulisan ngayong Lunes, Mayo 26.

Ayon sa mga ulat nito ring araw, aminado umano ang mga residente na wala silang titulo ng lupa sa naturang lugar. Ngunit 1936 pa raw nakatayo ang mga bahay na tinitirhan nila. 

Kaya nanawagan sila sa lokal na pamahalaan na bigyan sila ng maayos na malilipatan. Humingi rin sila ng palugit sa may-ari ng lupa upang makapaghanda sa relokasyon.

“Sana mabigyan po kami ng karapatan, mabigyan po kami ng sapat na panahon, karapatang-pantao para po mapigilan itong demolisyong ito,” saad ni Ruby Dela Cruz, pangulo ng Mayhaligue Neighborhood Association, sa panayam ng ABS-CBN News

Metro

16-anyos na babae, timbog; nakuhanan ng ₱1.4M halaga ng shabu

Pero batay sa sinabi ni Sheriff Raymundo Roxas, noong Oktubre 2024 pa raw inilabas ang order of demolition habang ang final order ay ibinigay ng Korte noong Pebrero 2025.

Tinatayang 400 pamilya umano ang mawawalan ng tirahan at higit 1,000 ang maapektuhan sa naturang demolisyon.

Nakatakda namang bigyan ng ₱34,000 ang mga residente kung boluntaryo silang aalis sa lugar.